Ang labo. Ano nga ba ang tawag sa dalawang taong nagsasama pero walang commitment? Nagkakaintindihan pero walang pwersahan at pigilan sa kanya-kanyang gawain, napapasaya at nabibigyang halaga sa isa’t isa pero wala kang karapatan para magalit pag wala siya o ‘di kaya magselos pag may kausap siyang iba?
Mutual Understanding? Friends with Benefits? Pwede. Kaso, ang labo noh? Parang ‘kayo’ pero hindi naman. Walang status, walang tamang bansag kahit saan kang lupalop ng mundo maghanap. Pag tinanong ng tao: “Kayo ba?”Syempre “hindi” ang isasagot mo kasi punyeta hindi naman talaga. E paano kung “friends” ang isagot mo? Ang labo pa rin. Imagine two friends who are so intimate with each other, ang weird lang ‘di ba? Awkward. Ang labo lang kasi talaga. Sobra.
Pero paano kung sobrang napapasaya ka niya? Tipong hindi mo alam kung paano ka makakasurvive sa past tapos nung dumating siya sa buhay mo naging bearable na ang lahat para sayo. Knowing the reality na parang beyond panakip-butas na yung tingin mo sa kanya, anong gagawin mo?
Feeling ko ang hirap i-let go ng mga ganitong bagay. Yung mga bagay na hindi naman talaga sayo, pinahiram lang ng panahon. Lalo na kapag pakiramdam mo iba na yung something na meron kayo, kung meron man. Alam mong maraming mali pero kaya mo kayang itigil ‘to pag dumating yung araw na kailangan mo nang bumitiw? Unang mahulog, talo eh. Ang labo. Sobrang labo.







